Mga Filipinong sakay ng cruise ship sa Japan, makakauwi ng Pilipinas sa Feb. 25

PHOTO GRAB FROM @teddyboylocsin/TWITTER

Nakatakda nang mapauwi ng Pilipinas ang mga Filipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan.

Sa Twitter, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na mare-repatriate ang mga Filipino sa Martes, February 25.

Ito ay kasunod ng paghingi ng paumanhin ng Japan matapos payagang makaalis ng cruise ship ang 23 pasahero nang hindi nasusuri nang maayos kasunod ng banta sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi pa ng kalihim na maaaring ito ang dahilan kung bakit nag-alok ang Japan na i-host ang pagsusuri sa mga Filipino bago umalis ng cruise ship.

Dumaan na aniya sa pagsusuri ang lahat ng Filipino sa nasabing cruise ship ngunit hindi pa nailalabas ang mga resulta nito.

Sa huling tala, nasa 49 Filipino sa nasabing barko ang nagpositibo sa COVID-19.

Read more...