Taas-presyo sa oil products, ipatutupad sa susunod na linggo

Magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng kumpanyang Shell at Petro Gazz, may dagdag na P0.30 sa kada litro ng kanilang gasolina habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel.

Sa kerosene o gaas ng Shell, taas din ito ng P0.35 kada litro.

Kapwa epektibo ang oil price adjustment ng Shell at Petro Gazz sa Martes, February 25, simula 6:00 ng umaga.

Inaasahan namang mag-aanunsiyo na rin ng pagbabago sa presyo ng kanilang produkto ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...