Siyam na panibagong PUIs sa COVID-19, naitala ng DOH

Photo grab from DOH website

Nadagdagan pa ang bilang ng ‘patients under investigation’ (PUI) na posibleng apektado ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang February 22, umabot na sa kabuuang 606 ang PUIs sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, nasa 130 PUIs ang nananatiling naka-confine sa ospital.

473 naman ang PUIs na nakalabas na ng ospital.

Pinakamarami pa ring naitalang PUIs sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa DOH, nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...