Dalawang senior citizen, patay sa pananambang sa Quezon City

Patay ang dalawang senior citizen makaraang pagbabarilin sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ni Batasan police station station commander Lt. Col. Romulus Gadaoni ang mga biktima na sina Emilia Rumor, 93-anyos, at Brenda Rumor, 62-anyos.

Pinagbabaril ang dalawa habang nakasakay sa puting Montero sport na sasakyan sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Holy Spirit bandang 8:58 ng gabi.

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang gunman na responsable sa krimen.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala ng caliber 45 na baril.

Read more...