Reklamong murder isinampa ng NBI laban kay Sandra Cam, at 6 na iba pa kaugnay sa pagpatay sa isang vice mayor

Isinampa na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng reklamong murder at frustrated murder laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam kaugnay sa pagpatay sa isang vice mayor noong nakaraang taon.

Si Cam ay idinadawit sa pagkamatay ni Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III na tinambangan sa Sampaloc, Maynila noong October 9, 2019.

Maliban kay Cam, kabilang din sa inireklamo ng NBI death investigation division sa piskalya ang anak niyang si Marco Martin Cam sina Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito de Luna; at Rigor dela Cruz.

Sina Gomez, Solis, De Luna, at Dela Cruz ay naaresto na noon isang araw matapos ang pananambang.

Sa rekord ng kaso, noong October, 2019, si Yuson kasama sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte ay nag-aalmusal nang sila ay tambangan.

Ayon sa asawa ni Yuson na si Lalaine, sinabi sa kaniya ng kaniyang mister na si Sandra Cam lamang ang pwedeng gumawa ng krimen.

Ang anak kasi ni Yuson na si Charmax ay nanalo sa mayoralty race laban sa anak ni Sandra na si Marco.

Read more...