Ngunit sinabi din ni Lacson na mali si Cayetano na ihambing sa Charter change ang isyu sa prangkisa ng ABS CBN.
Paliwanag nito, ilang beses nang nangyari na nauunang magsagawa ng committee hearings sa Senado bago pa man maipadala ng Kamara ang inaprubahan nilang bersyon ng panukala.
Magkakaroon na lang aniya ng paglabag kung ang namumuno sa komite ay ilalatag na sa plenaryo ang committee report ng wala pa ang bersyon ng Kamara.
Hindi pa ito ginagawa sa Senado, ayon pa kay Lacson at aniya hindi ito gagawin ng senador.
Sa pagkakaintindi din ni Lacson, ang tatalakayin ng Public Service Committee ni Sen. Grace Poe sa Lunes ay hindi ang mga panukala kaugnay sa prangkisa ng ABS CBN kundi ang mga sinasabing paglabag ng media network na inilatag na ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.