Paggamit ng “sablay” sa graduation sa halip na toga, ipatutupad na sa Pasig City

Ipatutupad na sa mga pampublikong paaralan sa Pasig City ang paggamit ng “sablay” sa mga graduation rites sa halip na toga.

Sinabi ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto kasunod ng panukala ng Department of Education (DepEd) na gumamit na lamang ng “sablay”.

Ayon kay Sotto, nakausap na niya ang mga pampublikong paaralan sa Pasig City at napagkasunduang “sablay’ na gagamitin sa mga mag-aaral.

Maliban aniya sa mas maka-Pilipino ang “sablay” ay pareho lamang naman ang gastos dito at sa toga. Ang kaibahan nga lang, ang “sablay” ay pwede nang iuwi ng mga estudyante hindi gaya ng toga na nirerentahan lamang.

Ang “sablay” ay gagamitin sa graduation rites ng mga mag-aaral sa 44 na public elementary at high schools sa Pasig.

Read more...