Paliwanag ni Sotto ang pagdinig ng Committee on Public Services, na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, ay hindi sesentro sa hirit na bagong prangkisa ng ABS CBN kundi sa mga sinasabing paglabag ng broadcast network.
Aniya may mga resolusyon para busisiin sa Senado ang mga sinasabing paglabag na binanggit din ni Solicitor General Jose Calida sa inihain niyang quo warranto petition sa Korte Suprema.
Dagdag pa ni Sotto, ang anuman committee hearing ay hindi maituturing na ang buong Senado at aniya ang mga namumuno sa mga komite ay may kapangyarihan na magsagawa ng pagdinig sa mga isyu na sa kanilang palagay ay dapat nilang mabusisi.
Sinabi pa nito ang anumang pagdinig ng komite ay hanggang sa kanila lang at hindi pa para sa buong Senado.