43 sa 46 na escalator units sa MRT-3 gumagana na

Gumagana na ang 43 sa 46 na mga escalator units sa MRT-3.

Ayon sa Department of Transportation – MRT3, kabilang sa pinakahuling naisaayos ay ang tatlong escalator units sa Ayala Station (Northbound at Southbound).

43 escalator units na ng MRT-3 ang fully operational at maaari nang magamit ng mga pasahero.

Habang mayroon pang tatlo na kailangan pang ayusin.

Naayos na rin ng Sumitomo-MHI-TESP ang mga escalator units sa Boni Station (Northbound), Cubao Station (Northbound), Kamuning Station (Southbound) at Shaw Boulevard (Southbound).

Samantala, lahat naman na ng elevator ng MRT-3 ay gumaganana rin.

Ang pagsasaayos sa escalators at elevators ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa MRT-3.

Read more...