Ito ay kaugnay ikalawang batch ng reklamo na inihain hinggil sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Maliban kay Garin, siyam na iba pang opisyal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur ang kinasuhan.
May nakita ring sapat na batayan ang DOJ para isulong ang kasong paglabag sa Consumer Act of the Philipines laban sa presidente ng Sanofi dahil sa paggawa ng bakuna na may banta sa mga “seronegatives” o iyong mga hindi pa nagkaka-dengue.
Nakasaad din sa resolusyon ng DOJ na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ni Garin at iba pang respondents nang ipatupad ang mass imminization program.
Hindi kasi nabigyan ng sapat na impormasyon ang mga recipient ng bakuna, kanilang mga magulang at pamilya sa kung ano ang maaring maidulot ng bakuna.