Pulis-Muntinlupa pumanaw sa sakit na dengue

Isang pulis sa Muntinlupa City ang pumanaw dahil sa sakit na dengue.

Sa pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nagpa-abot ito ng pakikiramay sa mga naulila ni Police Lt. Alioden Mangonday.

Si Mangonday ay sumasailalim sa field traning program ng Southern Police District (SPD) nang siya ay magkasakit.

Ayon kay NCRPO chief Police Maj. General Debold Sinas, kinikilala ng NCRPO ang mga nagawa ni Mangonday sa pagseserbisyo publiko.

Pumanaw si Mangonday araw ng Huwebes habang ginagamot sa Asian Hospital dahil sa sakit na dengue secondary to severe pneumonia.

Agad ding inilibing si Mangonday sa Blue Mosque sa Taguig City.

Read more...