Sa isinagawang inagurasyon sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar makikinabang sa naturang kalsada ang mga motorista, commuters at truckers na patungong Malabon, Caloocan, at Navotas.
Sa pagtaya ng DPWH, aabot sa 30,000 motorista kada araw ang makikinabang dito.
Mababawasan din ang araw-araw na matinging traffic sa CAMANAVA area partikular sa C3 Road.
Sa susunod na buwan ay inaasahan naman na bubuksan na ang buong C3-R10 Section.
Mapapababa nito ang travel time sa pagitan ng NLEX at CAMANAVA sa 10 minutes na lamang mula sa kasalukuyang 60 minutes.
MOST READ
LATEST STORIES