250 na baboy kakatayin sa isang bayan sa Camarines Sur na apektado ng ASF

Aabot sa 250 na baboy mula sa bayan ng Bombon sa Camarines Sur ang kakatayin matapos maapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Emilia Bordado, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol nagtalaga na ng veterinary personnel para isagawa ang culling sa 250 na mga baboy.

Apektado ng ASF ang 13 barangay sa Bombon.

Nagdeklara na ng “lockdown” sa mga apektadong lugar kung saan ipinagbabawal na ang paglabas sa Bombon ng mga meat products.

Ang mga veterinary personnel naman na magsasagawa ng culling ay isasailalim sa isolation sa loob ng for 15 araw.

 

Read more...