Matteo Guidicelli nanakit umano ng security guard sa private wedding nila ni Sarah Geronimo

Nagsampa ng reklamo laban sa aktor na si Matteo Guidicelli sa Taguig City police ang isang nagpakilalang private security guard ng pamilya ng Singer Actress na si Sarah Geronimo.

Inireklamo ni Jerry Tamara, 31 anyos si Guidicelli matapos umano siya nitong suntukin sa loob ng isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ayon kay Tamara, inakusahan siya ni Guidicelli na isinumbong niya sa magulang ni Geronimo ang pribadong kasal nila ni Sarah.

Nakasaad sa police report ng Taguig Police, nagaganap ang private wedding sa pagitan nina Geronimo at Guidicelli nang dumaring ang nanay ni Sarah sa hotel dakong alas 11:00 ng gabi.

Hiniling umano ni Mommy Divine na makausap muna ang kaniyang anak.

Nang makita si Mommy Divine, inakusahan na umano ni Guidicelli si Tamara na nagsumbong ito sa magulang ni Sarah at sinuntok siya nito sa leeg.

Tumanggi naman na si Tamara na maghain ng formal complaint laban kay Guidicelli at ipina-blotter lamang ang insidente.

Read more...