Oplan X-Men ng Makati PNP sinopla ng isang kongresista

Binatikos ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang ginagawang Oplan X-Men sa Makati City Police.

Ayon kay Herrera, ang hakbang na ito ng pulisya sa Makati ay nagpapakita lamang na sa kasalukuyang panahon ay bikytima pa rin ng harrassment at pang-aabuso ang mga miyembro ng LGBTQ community.

Sabi ng mambabatas, sa ilalim ng demokrasya sa bansa ay itinuturing pa rin na sa second class citizen ang mga miyembro ng LGBTQ na ang nais lamang naman ay ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Giit nito, “This incident shows that LBGTs are still victims today of harassment and abuse. Sadly for our democracy, they are still considered second class citizens when they try to assert their rights to which they are rightfully entitled.”

Sa isang viral video makikita na inimbitahan ng mga pulis-Makati ang isang transgender woman sa kanilang istasyon.

Paliwanag ng Makati Police Community Affairs and Development Section ang Oplan X-Men ay kanilang isinasagawa upang mailigtas sa pang-aabuso ang mga ladyboys mula sa human traffickinhg at pang-aabuso sa kanilang mga lugar na tinatambayan.

Kuugnay nito, nanawagan si Herrera sa Philippine National Police na ihinto na ang profiling sa mga transgender women na tinawag ng mga itong “Oplan X-Men”.

Read more...