Kailangan aniya na magtayo ng maraming public libraries upang mahikayat ang mga bata na mag-aral magbasa at intindihin ang kanilang mga binabasa.
Kasama rin sa nais ni Taduran ay ang pagtatayo ng mga karagdagang mga silid-aralan na mayroong mga aklat na maaring basahin ng mga mag-aaral.
Bukod dito, kailangan din sabi ng mambabatas na bigyana ng mga guro ng mga gamit upang matulungan ang kanilang mga estudyante sa pagbaba ng maayos.
Naniniwala ang lady solon na ang kailangan ng mga mag-aaral ay suporta upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa.
Pahayag ito ng mambabatas kaugnay sa ulat na nasa 40,000 na mga estudyante sa Bicol ang hirap magbasa.