CANCELED FLIGHTS: February 21, 2020

Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 504 / 505 Manila – Tuguegarao – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon sa Tuguegarao.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang Cagayan Valley ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may mahihinang pag-ulan.

Ito ay dahil sa epekto ng Amihan.

Read more...