Cabangan, Zambales niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Cabangan sa lalawigan ng Zambales.

Naitala ang pagyanig sa layong 13 kilometers southwest ng Cabangan alas 8:43 ng umaga ng Biyernes (Feb. 21).

Ayon sa Phivolcs may lalim na 28 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Olongapo City bunsod ng naturang lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...