2 arestado sa buy-bust sa Muntinlupa; P3.4M na halaga ng shabu nakumpiska

Aabot sa P3.4 million ang halaga ng ilegal na droga na nakumpiska mula sa dalawang naarestong drug suspects sa Muntinlupa City.

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Joehari Mamasainged, 25 anyos at Naser Cayagcag, 21 anyos.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Sucat kung saan nakumpiska sa dalawang suspek ang 500 grams ng shabu.

Nasa PDEA detention faciltiy na ngayon sina Mamasainged at Cayagcag at mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...