Quarantine sa mga Pinoy na inilikas mula Wuhan City matatapos na bukas

Bukas matatapos ang quarantine ng mga Pinoy na inilikas mula Wuhan City, kasama ang mga crew ng eroplano at quarantine officials

Ayon kay Sec. Francisco Duque III, magkakaroon ng simpleng seremonya bukas kung saan bibigyan sila ng quarantine clearance certificate.

Lahat ng 49 ay inaasahang makatatapos ng 14 na araw na quarantine period bukas nang walang nagpopositibo sa COVID-19.

Sa sandaling makalabas na sila sa New Clark City sa Capas, Tarlac maari na silang bumalik sa kanilang mga lugar.

Ayon pa kay Duque, pwede na rin nilang gawin ang pang-araw araw nilang pamumuhay.

Read more...