Mati City, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Mati City sa Davao Oriental.

Naitala ang pagyanig sa layong 14 kilometers southwest ng Mati City alas 7:59 ng umaga ng Biyernes (Feb. 21).

Ayon sa Phivolcs may lalim na 42 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...