Lalaki patay sa sunog sa Maynila

Isang lalaki ang nasawi sa sunog na naganap sa isang tatlong palapag na bahay sa Sampaloc, Maynila.

Nagsimula ang pagsiklab ng apoy alas 6:06 ng umaga ng Biyernes (Feb. 21) sa 975-H, Domingo Santiago Street na umabot lang ng unang alarma.

Ayon kay Capt. Guillermo Firmalino ng Manila Fire District, alas 6:39 ng umaga nang agad na maideklarang fire out ang sunog.

Pero nang maapula ang apoy ay nakita ang walang buhay na katawan ng biktimang si Denmark Jose, 34-anyos.

Ayon sa kapatid ng biktima, ang kanilang kalan ang pinagmulan ng apoy.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Manila Fire District sa insidente at sa inisyal na pagtaya ay aabot sa P10,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Read more...