Ito ay matapos na umalma ang Quezon City local government sa nabagong disenyo ng MRT station na higit na mas malawak at mas mataas kumpara sa orihinal na napagkasunduan at naaprubahang disenyo.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nag-commit ang San Miguel Corporation (SMC) na sa loob ng 10 araw ay mailalabas nito ang bagong disenyo.
Nagpaliwanag naman si DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan sa naging pagbabago sa disenyo ng MRT-7 Station.
Aniya taong 2008 pa ang orihinal na plano kaya nagkaroon ng pagbabago sa disensyo dahil maituturing na aniyang outdated ang disenyo ng istasyon.
READ NEXT
Hubei Province nakapagtala ng 115 na panibagong nasawi sa COVID-19; bilang ng panibagong mga kaso bumaba na
MOST READ
LATEST STORIES