Flyover sa Indiana nagliyab matapos maaksidente ang truck na may kargang libu-libong galon ng gasolina

Nagliyab ang buong flyover sa isang interstate highway sa Indiana matapos maaksidente ang isang truck na may kargang libu-libong galon ng gasolina.

Bumaligtad ang truck na may lulang 4,000 galon ng gasolina habang binabagtas ang highway ramp.

Isang motorista naman na dumaraan sa din sa lugar ang tumulong para mahila ang driver mula sa nasusunog na tanker.

Agad itong naisugod sa ospital.

Ayon sa Indiana Police, matatagalan ang clean-up sa magkabilang panig ng highway ramp kaya isinara na ito sa mga motorista.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng aksidente.

Read more...