5 arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela; mahigit P300,000 halaga ng shabu nakumpiska

Timbog ang 5 drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Quezon City at Valenzuela City.

Unang naaresto ang tatlong lalaki sa buy-bust operation na isinagawa sa kanto ng Kamias at K-H St., Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Benjie Louise Tremor ng Kamuning Police ang dalawa sa tatlong nahuli ay pawang mga pusher na nasa watchlist at ang isa naman ay customer ng dalawa at dating nakulong sa kasong attempted homicide.

Nakumpiska sa 3 ang P142,000 halaga ng shabu.

Sumunod naman na naaresto ang dalawa pang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) sa Valenzuela City.

Nakilala ang mga naaresto na sina alyas Bes at alyas Beng.

Ayon naman kay Police Capt. Ramon Aquiatan ng Northern Police District, nakumpiska sa dalwang drug suspek ang P170,000 na halaga ng shabu.

Mahaharap ang 5 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...