Ayon sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, makararanas ng maulapna papawirin na mayroong mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Panay Island.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Mindanao.
Samantala, malamig na temperatura pa rin ang aasahan ngayong umaga sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, sa Baguio City, inaasahan ang 10 degrees Celsius na minimum na temperatura.
Sa Metro Manila naman, 20 degrees Celsius ang inaasahang pinakamabang temperatura gayundin sa Olongapo City.
19 degrees Celsius naman ang aasahang minimum na temperatura sa Tuguegarao City at sa Tagaytay City.
Sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ay amihan pa rin ang iiral sa bansa.