Bilang ng COVID-19 cases sa cruise ship sa Japan, nadagdagan pa ng 13

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa nakadaong na M/V Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Sa anunsiyo ng health ministry sa bansa, nasa 13 ang karagdagang kaso ng sakit sa cruise ship.

Dahil dito, aabot na sa 634 ang kabuuang bilang ng kaso ng virus sa nasabing barko.

Matatandaang pumanaw na ang dalawang pasyente sa cruise ship na tinamaan ng COVID-19.

Read more...