Rapist na tatlong buwan nang nagtatago, timbog sa Davao del Sur

Matapos ang pagtatago nang tatlong buwan, nahuli na ng mga otoridad ang hinihinalang rapist sa Digos City, Davao del Sur.

Sa ulat ng pulisya, sinabi ni Digos City police chief Vici Anthony Tababa na naaresto ang suspek na si Wilson de la Calzada Jopli, 57-anyos, sa bahagi ng Zone 2, araw ng Miyerkules.

Naaresto ang suspek sa bisa ng inilabas na arrest warrant sa dalawang bilang ng rape.

Sa ngayon, si Jopli ay nasa kustodiya na ng Digos City police.

Read more...