DFA consular offices sa bansa, sarado sa Feb. 25

Suspendido ang operasyon ng lahat ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Martes, February 25.

Sa inilabas na abiso ng DFA Office of Consular Affairs (OCA), ito ay bunsod ng selebrasyon ng EDSA Revolution Anniversary na isang special non-working holiday.

Sinabi ng kagawaran na sarado rin ang kanilang opisina sa ASEANA Business Park sa nasabing petsa.

Magbabalik naman ang normal na operasyon at serbisyon ng DFA consular offices sa Miyerkules, February 26.

Ayon sa DFA, lahat ng apektadong aplikante na mayroong confirmed appointments ay maaaring ma-accommodate hanggang March 25, 2020 tuwing regular office hours maliban sa Sabado.

Maaari namang magpadala ng e-mail ang mga aplikante na mayroong iba pang katanungan sa oca.concerns@dfa.gov.ph.

Read more...