Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.4 na lindol sa 35 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos bandang 5:54 hapon ng Huwebes (February 20).
May lalim na 190 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang mga sumusunod na intensity bunsod ng lindol:
Intensity 3:
– General Santos City
– Tupi at Polomolok, South Cotabato
– Alabel, Saranggani
Intensity 2:
– Maasin at Malapatan, Sarangani
– Davao City
Intensity 1:
– Tampakan, South Cotabato
Instrumental intensities naman ang naitala sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 4:
– General Santos City
Intensity 3:
– Kiamba, Alabel, at Malungon, Sarangani
– Tupi, South Cotabato
Intensity 1:
– Kidapawan City
– Koronadal City
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian sa lugar.
Ngunit, sinabi ng Phivolcs na asahan ang posibleng aftershocks matapos ang pagyanig.