Idinaos ang Donning and Shakedown Ceremony sa Lungsod ng Maynila, araw ng Miyerkules (February 19).
Pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral Joel Garcia ang donning of ranks sa 17 Master Chief Petty Officers, 41 Senior Chief Petty Officers, at 126 Chief Petty Officers.
Hinikayat ni Garcia ang mga bagong na-promote na tauhan ng ahensya na dapat maging conscious kung paano dadalhin ang kanilang sarili bilang public servants.
Maliban dito, sinabi rin nito na ibahagi sa mga kapwa personnel ang mga natutunang aral sa kanilang tungkulin.
Dagdag pa nito, dapat manatili ang disiplina sa tungkulin sa bansa hanggang umabot sa retirement.
MOST READ
LATEST STORIES