Ayon sa Health Ministry sa Singapore, ito ay matapos makapagtala ng tatlong bagong kaso ng sakit sa bansa.
Konektado ang unang kaso na 35-anyos na babaeng Singaporean sa Grace Assembly of God church.
Isang 54-anyos na lalaking Singaporean naman ang ikalawang bagong kaso na konektado sa The Life Church and Missions.
Habang ang ikatlo ay hindi nagkaroon ng history ng pagbiyahe sa China ngunit unang na-confine sa general ward ng Ng Teng Fong General Hospital (NTFGH) dahil sa dengue.
Sinabi ng Health Ministry na nagpositibo sa sakit ang tatlo.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga staff ng NTFGH.
Maigi ring nilinis at nag-disinfect sa kwarto kung saan na-confine ang mga pasyente.