Netherlands Ambassador Saskia de Lang, nag-courtesy call kay Mayor Moreno

Nag-courtesy call si Netherlands Ambassador Saskia de Lang kay Manila Mayor Isko Moreno.

Bumisita si de Lang sa opisina ng alkalde sa Manila City Hall, araw ng Miyerkules.

Sa pulong, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga plano para sa pagpapaunlad ng Maynila.

Ibinida ng alkalde ang pagbuo ng task force na magpapanatiling malinis at maayos ang mga kalsada sa Maynila.

“We are now addressing these concerns as well as the air quality in the city,” ani Moreno.

Binati naman ni de Lang ang matibay na political will ni Moreno.

Nag-alok pa si de Lang sa alkalde na magkaroon ng collaboration sa mga proyektong may kaugnayan sa open green spaces at environmental conservation.

Ani de Lang, nais nitong suportahan ang mga programang patungkol sa kalikasan sa lungsod.

Read more...