DTI nagsagawa ng monitoring sa mga tindahan ng medical supplies sa Maynila

Nagsagawa ng monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga tindahan mg medical supplies sa Bambang Street sa Maynila.

Ito’y upang alamin kung sapat ang suplay ng mga face mask gayundin kung magkano ang bentahan ng mga nasabing tindahan.

Mismong si DTI Undersecretary Ruth Castelo ang nanguna sa monitoring at ayon sa kaniya, marami pa rin sa mga tindahan ang wala talagang supplies ng N95 at surgical mask.

Sa ginawang pag-iikot, on the spot na binigyan ng notice of violation ang CCM MedHealth Company at JKOS medical supplies and equipment na dati na ding nabigyan ng notice ng DTI dahil sa overprice sa pagbebenta ng N95 mask.

Nabatid kasi na nasa P105 lang ang suggested retail price ng N95 mask pero ibinebenta ito ng P135 at P160.

Dahil dito, planong irekomenda ng DTI sa lokal government unit na i-revoke o suspindehin na ang mga business permit ng mga tindahan na nakakarami na ng notice of violation.

May isang tindahan din ang nagbebenta ng manipis na face mask na parang tissue sa halagang P50 ang isa, pero hindi ito uubra para maproktehan sa virus.

Read more...