Pahayag ni Sen. Go ukol sa pagtalakay sa prangkisa ng ABS-CBN, pinasasamantala sa Kamara

Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. (Photo from Facebook account of Ako Bicol)

Dapat samantalahin ng Kamara ang pahayag ng dating aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senator Christopher “Bong” Go na i-schedule na ng Kamara ang pagdinig sa prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, dapat kumilos na ang Kamara at samantalahin ang momentum na kung saan pumapabor ito sa pagpapabilis ng pagdinig sa franchise bills ng ABS-CBN.

Paalala ng mambabatas, si Go ang nagsisilbing mata at tenga ni Pangulong Duterte at sa senador din kadalasang kumokonsulta ang Presidente sa mga bagay na hindi ito sigurado.

Mayroon na lamang aniyang dalawang linggo ang Kongreso bago ang Holy week o summer break ng sesyon.

Sang-ayon din si Garbin sa urgency na ibinibigay ni Senator Go dahil kailangan din ng Senado ng sapat na oras at panahon para talakayin ang franchise bills ng Kamara.

Nauna rito sinabi ni Go na dapat gumawa ng paraan ang Kamara para i-schedule at masimulan na ang pagtalakay sa renewal ng prangkisa ng network.

Read more...