Sabi ni Yap, dapat patunayan ng Lopez-led corporation na panindigan at patunayan na sila ay tunay na “In Service of the Filipino People.”
Aniya, kung totoong kapakanan ng tao ang iniisip ng ABS-CBN dapat ay inuuna nito ang karapatan ng kanilang mga empleyado at ipakita na seryoso sila sa sinasabing service para sa Filipino.
Bukod dito, hinamon ni Yap ang ABS-CBN na bayaran ang back pay at iba pang benepisyo ng 120 na empleyado na sinasabing ilegal na tinanggal sa trabaho noong 2010.
Ang mga nasabi aniyang mga manggagawa ay patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan hanggang sa ngayon.
Iginiit ng mambabatas na kung magagawa ito ng broadcast network ay tiyak na susunod dito ang iba pang malalaking kumpanya kaya sigurado na bayan at manggagawang Filipino ang panalo sa bandang huli.