Drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Siquijor

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Siquijor, Miyerkules ng tanghali.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Buenos Aires sa Barangay Tignao sa bayan ng Lazi dakong 12:00 ng tanghali.

Naaresto ng PDEA ang suspek na si Ramil Aragon Arbizo, 45-anyos.

Nakuha sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,000 at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...