Malakanyang kay DJ ChaCha: Baka ikaw ang gustong maging bodyguard ni Pangulong Duterte

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO
May bwelta ang Malakanyang sa radio personality na si DJ ChaCha nang manawagan ito na magbitiw na lamang sa puwesto si Senador Ronald Dela Rosa at maging bodyguard na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binatikos ni DJ ChaCha si Dela Rosa dahil sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaring ang radio personality ang gustong mag-apply na bodyguard ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo hahayaan na lamang ng
Malakanyang ang radio personality na magbulalas ng kanyang personal na saloobin.

Tinanong kasi si Dela Rosa kung ano ang paninindigan nito sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Dela Rosa, nananatili ang kanyang katapatan kay Pangulong Duterte.

Dahil dito sinabi ng radio personality na dapat nang magbitiw si Dela Rosa bilang senador at maging bodyguard na lamang ng pangulo tutal nasa punong ehekutibo naman ang kanyang loyalty at hindi sa taong bayan.

Read more...