Bilang ng nasawi sa COVID-19 umakyat na sa 2,128

Umakyat na sa 2,128 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ng dagdag na bilang ng nasawi sa iba pang bahagi ng China at dalawang nasawi na sakay ng MV Diamond Princess sa Japan.

Sa nasabing bilang, 2,118 ang death toll sa mainland China.

Habang ang sampung iba pa ay mula sa sumusunod na mga lugar:

3 – Japan (2 from MV Diamond Princess)
2 – Iran
2 – Hong Kong
1 – PH
1 – Taiwan
1 – France

Nakapagtala din ng mabilis na pagdami ng kaso sa South Korea.

Iniulat ng Seoul na umakyat na sa 82 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa matapos makapagtala ng 24 na panibaong kaso.

Read more...