Dalawang sakay ng Diamond Princess na nagpositibo sa COVID-19, pumanaw na

Dalawang sakay ng MV Diamond Princess sa Japan na tinamaan ng sakit na COVID-19 ang iniulat na pumanaw na.

Sa ulat ng Japan Times, ang dalawang pasyenteng nasawi ay isang lalaki at isang babae na kapwa nasa edad 80.

Wala pa namang dagdag na impormasyon na inilalabas ang health ministry office ng Japan hinggil sa balita.

Sa Diamond Princess pa lamang mayroon nang naitalang 621 na katao na nagpositibo sa sakit.

Ngayong araw, itutuloy ang pagbaba sa iba pang pasahero ng barko na nakakumpleto ng quarantine at nag-negatibo sa COVID-19.

Read more...