DOJ inatasan ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpatay sa opisyal ng BuCor

Pasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat sa kaso ng pagpatay sa opisyal ng Bureau of Correction na si Atty. Fredric Anthony Santos.

Si Santos ay tinambangan Miyerkules ng hapon sa Muntinlupa City.

Isa si Santos sa 20 tauhan ng BuCor na suspendido dahil sa usapin na may kaugnayan sa kontrobersiya sa GCTA o Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sangkot si Santos sa GCTA issue agad niyang aatasan ang NBI na imbestigahan ang pagpatay dito.

Sa kaniyang naging testimonya noon sa Senado, ibinunyag ni Santos ang mga korapsyon sa loob ng bilibid.

Read more...