Concert ni Alanis Morissette sa bansa dalawang araw na

Ginawang dalawang araw na ang concert ni Alanis Morissette sa Pilipinas na bahagi ng kaniyang 2020 World Tour para sa 25th anniversary ng best-selling album niya na “Jagged Little Pill”.

Gagawin na ang concert sa April 6 at 7 sa Mall of Asia Arena ayon sa Ovation Productions.

Ito ay makaraang mabilis ma-sold out ang tickets para sa April 6 concert.

Ang halaga ng tickets para sa concert ni Alanis ay nasa P2,870 ang pinakamura at P13,460 naman ang pinakamahal.

Sa February 28, alas 12:00 ng tanghali mayroon nang exclusive ticket sales ang Globe para sa April 7 show.

Habang sa February 29 naman ang pormal na ticket sales.

 

Read more...