Espenido maaring imbestigahan dahil sa pagsuway sa gag order ng PNP

INQUIRER PHOTO

Dismayado ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ginawang pagharap sa media ni Lt. Col. Jovie Espenido.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, maaring maimbesitigahan si Espenido dahil sa hindi nito pagtalima sa gag order ng PNP.

Kasama si Espenido sa 357 na mga pulis na nasa drug list at may gag order sa kanila ang pamunuan ng PNP.

Ani Gamboa nakatakda din silang magpalabas ng social media protocols sa kanilang hanay.

Sa kaniyang pagharap sa media, sinabi ni Espenido na maaring pulitiko ang nasa likod ng pagkakasama niya sa listahan.

Siniguro din nitong malinis ang kaniyang kunsensya at integridad.

Humingi pa ng paumanhin si Espenido sa kaniyang superiors dahil sa pagsasapubliko ng kaniyang reaksyon.

Read more...