Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Singapore, walang ipinatupad na travel ban ang Pilipinas sa naturang bansa.
Ibig sabihin, ang mga Pinoy, galing Pilipinas ay pwedeng magtungo sa Singapore, habang ang mga galing Singapore ay pwede ring bumalik ng Pilipinas.
Nilinaw din ng embahada na ang mga Pinoy na uuwi sa Pilipinas ay hindi kailangang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.
Patuloy naman ang paalala ng embahada sa mga Pinoy sa Singapore na maging maingat para hindi sila mahawaan ng COVID-19.
Sa ngayon ay mayroong 81 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore, 48 sa kanila ay stable na ang kondisyon pero nananatili sa ospital, habang 29 naman ang nakauwi na.
Mayroon namang apat na nasa ICU pa.