Miyerkules (Feb. 19) ng gabi nang ilunsad ni Trillanes ang kaniyang vlog na “Trillanes Explains” o “TRx”.
Ngayong hindi na siya senador, sinabi ni Trillanes na pwede na siyang tawaging “Citizen Sonny” o “Prof. Sonny”.
Sa kaniyang unang vlog, ipinaliwanag ng senador na nagpasya siyang pasukin ang vlogging para doon ilahad ang mga saloobin niya na bahagi ng pagsisilbi pa rin niya sa bayan.
Sinabi ni Trillanes na marami siyang expose’ na hindi gaanong napansin dahil hinaharang ng kasalukuyang administrasyon.
At sa pamamagitan ng kaniyang vlog, hihimayin niya isa-isa ang mga isyung iyon.
Kabilang sa mga paunang binanggit ni Trillanes ang ibinunyag niya hinggil sa BPI Bank Accounts ni Pangulong Duterte at ang aniya ay “culture of impunity” na nangyayari ngayon sa ilalim ng administrasyon.
“Noong natapos ang aking termino, naisip ko, kailangan ko pa ring magsilbi sa ating bayan. So, itong ating adbokasiya ng Magdalo noong 2003 na laban sa corruption at pagreporma ng ating gobyerno, ito ngayon ang aking paraan para mapagpatuloy ‘yun. Kaya abangan ninyo ang future episodes ng #TRx #TrillanesExplains,” ayon kay Trillanes.