Isa sa mga naitalang pagyanig ay naramdaman sa bahagi ng Agoncillo, Batangas matapos na makapagtala ng Intensity II alas 7:36 ng gabi ng Miyerkules.
Nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes na umabot sa 50 hanggang 100 meters ang taas.
Masyado namang kaunti ang ibinugang Sulfur dioxide (SO2) ng bulkan kaya hindi na ito na-detect ng instrumento ng Phivolcs.
Ayon sa Phivolcs, nananatiling nakataas ang alert level 2 sa Taal at sa ilalim nito ay bawal ang pagpasok sa permanent danger zone partikular sa Taal Volcano Island.
Pinayuhan naman ang mga lokal na pamahalaan na pag-aralang mabuti ang sitwasyon sa kanilang nasasakupan at tukuyin kung ligtas pabalikin sa kani-kanilang mga lugar ang mga residente lalo na sa mga lugar na nagkaroon ng bitak sa sa lupa dahil sa mga naranasang pagyanig.