70 sugatan sa karambola ng 200 sasakyan sa Canada

Halos 70 katao ang nasugatan makaraang magkaroon ng karambola ng mga sasakyan sa Montreal, Canada.

Umabot sa 200 sasakyan ang sangkot sa aksidente.

Ayon sa highway patrol authorities may mga naipit pa sa kanilang mga sasakyan dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga.

May school minibus at tanker na kabilang sa mga naaksidente.

Malakas ang hangin nang mangyari ang aksidente.

Dahil sa tindi ng pinsala ng aksidente ay isinara sa mga motorista ang apektadong kalsada.

Read more...