Nasawi sa COVID-19 mahigit 2,100 na

Umakyat na sa mahigit 2,100 ang bilang ng nasawi sa coronavirus disease.

Sa nakalipas na magdamag, inulat ng Hubei health authority na nakapagtala ng 108 panibagong bilang ng nasawi.

Dahil dito, ang death toll sa mainland China ay umakyat na sa 2,112.

Mayroon namang walong nasawi sa labas ng mainland China kabilang ang 2 mula sa Iran, 2 mula sa Hong Kong at tig-iisa mula sa Pilipinas, France, Taiwan at Japan.

Umabot naman na sa mahigit 76,000 ang bilang ng naitalang tinamaan ng sakit at malaking bilang nito ay sa China.

Ang MV Diamond Princess na nakadaong sa Japan ay nakapagtala na ng 621 na positibong kaso.

Sa iba pang bahagi ng Japan, mayroong 84 na kaso, 84 din ang kaso sa Singapore at 65 sa Hong Kong.

Read more...