Mahigit P300K halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa isang high-value target sa Mandaue City

Arestado ang isang lalaking itinuturing na high-value target ng pulis at dalawa pa niyang kasamahan sa ikinasang operasyon sa Mandalue City, Huwebes (Feb. 20) ng madaling araw.

Ikinasa ang operasyon sa Sitio Superior sa Barangay Looc.

Naaresto ang target na si Hennie Saruda, 37 anyos na nakuhanan din ng isang 45 caliber pistol na may lamang mga bala.

Nadakip din ang dalawa pa niyang kasabwat na sina Jayson Almario, 20 anyos at Neil Igpuara, 27 anys.

Ayon kay police Major Aldrin Villacampa, hepe ng Opao Police Station, nagpositibo ang ikinasang buy-bust operation kay Saruda.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa P306,000 na halaga ng shabu.

Read more...