2 nasawi sa COVID-19 sa Iran

Nasawi ang dalawa katao makaraang magpositibo sa COVID-19 sa Iran.

Ang dalawang may edad nang pasyente ang unang kaso ng COVID-19 sa Iran.

Ayon sa health minister ng Iran, pumanaw ang dalawa matapos magkaroon ng acute lung infections.

Hindi naman binanggit ng pamahalaan ng Iran kung paanong nakuha ng dalawa ang sakit.

Dahil sa pagpanaw ng dalawa, umabot na sa walo ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa labas ng mainland China.

Read more...